Dalawang uri ng palay na tumatagal sa baha, ilalabas na ng Philrice

by Radyo La Verdad | July 1, 2016 (Friday) | 4335

GRACE_PHILRICE
Tinukoy ng Philippine Rice Institute o Philrice sa Science City of Munoz sa Nueva Ecija ang dalawang variety ng palay na maaaring mabuhay kahit dalawang linggo itong malubog sa baha.

Tinatawag ang mga ito na Sacobia at Submarino Uno na kabilang sa mahigit dalawang daang uri ng palay na nasa pangangalaga ng Philrice.

Ang Submarino Uno ay tumutubo ng hanggang isandaang sentimetro at nagtataglay ng matibay na tangkay na kayang labanan ang malakas na ihip ng hangin.

Angkop ang uri ng palay na ito sa mababang sakahan na madalas bahain at kahit malubog sa baha ng hanggang labing-apat na araw ay maaari pa rin itong anihin matapos ang 112 araw.

Ang Sacobia naman ay kayang mabuhay sa baha o matinding init at maaaring anihin sa loob lamang ng 116 days.

Ang nakakamangha pa, maaari pa ring tumubo ang mga palay na ito, maka-recover at makapag-produce kahit pa naabot na ang maximum years nito.

Samantala inaasahan namang bago matapos ang 2016 ay mailalabas na ng Philrice ang walong bagong variety ng palay na magagamit ng mga magsasaka under stressed environment.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,