Dalawang sugatan sa motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 21, 2016 (Monday) | 2189

TMBB-QUEZON-CITY
Nadatnan pa ng UNTV News and Rescue Team na nakaupo sa kalsada ang mga biktima ng isang motorycle accident sa Barangay Central sa South Bound ng Commonwealth Avenue pasado alas dies kagabi.

Kinilala ang nasugatang dalawang sakay ng motorsiklo na sina Argy Asis, 24 anyos at Jeffrey Dela Peña, 25 anyos na pawang mga Taga-Alabang.

Nagtamo ng malalim na sugat si Argy sa kanyang kanang paa at mga gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang si Jefrrey ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Agad binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat ni argy habang isinakay na lang ng cab si Jeffrey at isinugod ang mga biktima sa East Avenue Medical Center.

Ayon sa barangay na nagpapatrol sa lugar matulin ang takbo ang motorsiklo at nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng tumama ang paa ng biktima sa gutter kaya natumba.

Dahil nakasuot ng mga helmet ang biktima ay naiwasan naman ang malubha pang pinsala.

Dahil wala namang sasakyan na involved na nabangga ang motor at self accident ang nangyari ay wala namang kaso ang isasampa sa mga naaksidente.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,