Dalawang sugatan sa motorcycle accident sa Quezon city, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 4, 2015 (Wednesday) | 2591

REYNANTE_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa C-5 road corner Shuster st. sa Quezon city alas onse kagabi.

Sugatan ang isang babaeng pedestrian at driver ng motorsiklo nadatnan pa ng grupong nakahiga sa daan at iniinda ang tinamong pinsala.

Kinilala ang mga biktima na sina Mark Anthony Florendo, 37-anyos na residente ng Marikina city at Zenaida Abrenica, 59 anyos na residente naman ng San Juan city.

Ayon sa nakakita sa pangyayari matulin ang takbo ng motorsiklo habang binabagtas ang Katipunan avenue nang mabangga nito ang babaeng tumatawid.

Sumabit umano ang babae sa manibela ng motor na naging sanhi para matumba ang motor.

Kapwa idinadaing ng dalawa ang pananakit ng kanilang tagiliran.

Nagtamo si Mark Anthony ng pamamaga sa kanang paa at nanakit naman ang kaliwang paa ni zenaida.

Matapos ma-check ang kondisyon ng mga biktima ay nilapatan na ito ng UNTV News and Rescue Team ng paunang lunas.

Dinala ng grupo sa quirino memorial medical hospital ang mga biktima pagkatapos mabigyan ng first aid.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad kung sino ang dapat managot sa pangyayari.(Reynante Ponte/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,