Dalawang seaman na malubhang nasugatan na vehicular accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at Raha Rescue Unit

by Radyo La Verdad | December 1, 2017 (Friday) | 4416

Hindi na matutuloy ang nakatakdang pagsakay ng 23 anyos na si Ramichir Ramirez sa barko sa darating na Lunes dahil sa nangyaring aksidente sa U.N Avenue sa Manila pasado alas kwatro ng madaling araw.

Naabutan ng UNTV News and Rescue Team na nakahiga sa kalsada ang dalawang  magkapatid na sina si Ramichir at Amber Ramirez na kapwa mga seaman.

Napapasigaw sa sakit si Ramichir na nagtamo ng malaking sugat sa paa at posibleng bali sa kaliwang binti.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga pinsala ni Ramichir habang ang Raha Rescue naman ang nag-asikaso kay Amber na may sugat din sa paa at posibleng bali sa kaliwang braso. Pagkatapos ng mabigyan ng first aid treatment ay pareho na silang dinala sa Manila Doctors Hospital.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, binabagtas ng truck ang Marcelino Street nang mabangga ito ng matulin na motorsiklo na galing sa U.N. Avenue.

Ayon sa truck driver na si Jerry Techon, hindi na siya nakapagpreno dahil din sa bigat ng karga nitong semento.

Dinala naman ang truck driver sa Manila Traffic Sector at na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury at damage to properties.

Sa mga ganitong aksidente, para sa mabilis na pagresponde matatawagan ang UNTV News and Rescue Team sa ‎911-8688 o 911-UNTV

Maaari ding tawagan ang mga malapit na rescuer sa Manila ang Rotary Club of Raha Sulayman Rescue Unit sa ‎(02)241-6991

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,