Magkahiwalay na nasunog ang dalawang sasakayan habang binabagtas ng mga ito ang northbound lane ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa Quezon City kagabi.
Unang nasunog ang isang pribadong sasakyan matapos umanong umusok ang ilalim na bahagi ng manibela nito sa may area ng Muñoz bandang alas syete ng gabi.
Electrical problem din ang nakikitang dahilan ng pagliyab ng isang taxi habang ito ay nasa tapat ng isang bus terminal pasado alas diyes ng gabi.
Walang naiulat na nasugatan sa parehong insidente at mabilis ding naapula ang apoy ng mga kawani ng Bureau of Fire and Protection (BFP).
Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga sasakyang nasunog na gitna ng mga naturang kalsada na siya ring dahilan ng pagka-stranded ng ilang commuters.