Dalawang pinaghihinalaang recruiter ng Islamic State inaresto sa Spain

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 1428
(photo credit: REUTERS)
(photo credit: REUTERS)

Dalawang tao ang inaresto ng Spanish police na pinaghihinalaang nagre-recruit para sa Islamic State sa Canary Island at sa North Eastern Region ng Catalonia.

Ang dalawang inaresto ay Moroccan na naninirahan sa Espanya.

Inaakusahan silang recruiters para sa Islamic State gamit social media.

Kinumpiska ng pulisya ang mga computers para suriin bilang bahagi ng imbestigasyon.

Pinalawak pa ng Spain ang kampanya na mapigil ang mga mamayan nito na lumahok sa Islamis State mula ng maganap ang madugong pag-atake sa Satirical magazine na Charlie Hebdo sa Paris.

Tags: , , ,