Dalawang pasahero sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa San Fernando, La Union

by Radyo La Verdad | September 15, 2017 (Friday) | 2387

Sugatan ang dalawang pasahero ng isang jeep matapos itong mahulog sa bangin na may walong metro ang lalim sa brgy. Baraoas, San Fernando, La Union kahapon ng tanghali.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng San Fernando Police, nagbababa ng kargang feeds ang driver ng biglang umabante ang jeep. Nagawa pang makatalon ng ibang pasahero habang umaandar ang jeep ngunit naiwan ang dalawa pa sa mga ito

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawa na agad isinugod sa Ilocos Training Regional Medical Center. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis kung may pagkukulang ba ang driver sa nangyari.

 

Tags: , ,