Grupong Pasang Masda, hihilingin sa LTFRB ang P1 fare hike

by Radyo La Verdad | August 22, 2023 (Tuesday) | 1301

METRO MANILA – Maghahain ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Pasang Masda upang humiling ng P1 dagdag pasahe sa gitna ng nagpapatuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Sa isang panayam inihayag ni Pasang Masda President Obet Martin na bukod sa P1 provisional fare ay hihirit din sila ng P0.50 na dagdag sa kada kilometro ng biyahe.

Ayon pa sa transport group, umaabot na ngayon sa P450 kada araw ang nawawalang kita sa mga jeepney driver dahil sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng langis.

Inaasahan ngayong araw ng Martes, August 22, ay pormal na ihahain ng grupo ang kanilang petisyon sa LTFRB.

Tags: