Dalawang major transmission lines, itatayo ng NGCP sa Bataan at Zambales

by Radyo La Verdad | February 10, 2017 (Friday) | 1047


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatayo ng dalawang major transmission lines ang National Grid Corporation of the Philippines sa lalawigan ng Bataan at Zambales.

Ayon kay NGCP Regional Communications Officer Ernest Vidal, itatayo ang mga ito sa Hermosa-Castillejos sa Zambales at sa Hermosa-San Jose sa Nueva Ecija.

Bawat grid ay may 500 kilometer voltage na kayang magbigay ng power supply sa coal-fired power plants sa Bataan at Zambales at sa Central Luzon at Metro Manila.

Ayon kay Vidal, kailangan ng malalaking transmission lines sa dalawang probinsiya dahil sa dami ng mga kumpanyang nagpa-planong magtayo ng planta.

Sa ngayon ay nasa raw acquisition o pre-construction period pa lamang ang proyekto na inaasahang matatapos sa 2020.

Iniimbentaryo na rin ng NGCP ang mga land owner at istraktura na maaaring maapektuhan ng proyekto.

Tags: ,