Dalawang magkahiwalay na aksidente sa Cagayan de Oro City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 8625

Malubhang nasugatan ang isang lalaki sa Cagayan de Oro City matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang Toyota Fortuner bandang alas siete kagabi.

Ayon sa driver ng Fortuner, malayo pa ang distansya sa kanya ng motorsiklo ng huli niyang tingnan kaya’t nagleft turn na umano siya patungo sa isang eskinita sa Licuan Drive sa  barangay Puntod.

Ngunit nagulat na lamang siya ng biglang banggain ng motorsiklo ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong mga galos at sugat sa mukha ng biktima at dinala ito sa Northern Mindanao Provincial Hospital.

Makalipas lang ang ilang oras ay isa na namang aksidente ang nangyari sa Lapasan Hi-Way.

Sugatan ang biktima na si Julius Timbla, 38 na taong gulang matapos bumangga ang motorsiklo nito sa isa pang motorsiklo.

Ayon sa biktima papauwi na umano siya nang magkabanggaan ang kasalubong na motorsiklo na mabilis aniya ang takbo.

Nilapatan din ng grupo ang biktima at ngunit tumanggi nang magpadala sa ospital.

 

(Asher Cadapan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,