Dalawang linggong cloud seeding operations sa Zamboanga City, hindi masyadong naramdaman ang epekto

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 1310

DANTE_CLOUDSEEDING
Natapos na ang dalawang linggong cloud seeding operations sa pangunguna ng PAGASA Task Force El Niño at Philippine Air Force sa Zamboanga city.

Gumugol ng kabuoang dalawampung oras na paglipad ng eroplano ang Philippine Airforce at mahigit isang daang sako ng asin ang nagamit sa cloudseeding operations.

Ngunit ang dalawang linggong cloudseeding ay nagdulot lamang ng mahinang mga pag-ulan sa mga watershed area at bahagya lamang nakadagdag sa imbak na tubig.

Kaya naman kung tutuusin ay nabalewala ang cloudseeding.

Samantala, nagpatupad ng panibagong water rationing scheme ang Water District.

Muli namang magsasagawa ng cloudseeding ang City Agriculturist Office ngayong buwan.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,