Wala ng buhay nang iahon ang isang lalaki mula sa creek sa gitna ng kahabaan ng Lapu-Lapu Avenue sa barangay NBBS sa Navotas pasado alaso diyes kagabi.
Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng lalaki na tinatayang may edad na trenta anyos.
Ayon sa ilang nakasaksi, tila lasing ang biktima nang mahulog ito habang sakay ng kaniyang bisikleta sa creek na may tinatayang lalim na sampung pulgada.
Matapos ang dalawampung minuto, naiahon ito kasama ng bisikleta ng mga rumespondeng kawani ng Bureau of Fire Protection.
Sinubukan pang lapatan ng CPR ng BFP ang lalaki at dinala sa ospital ngunit hindi naisalba ang buhay nito.
Samantala, halos isang oras lang ang nakalilipas ay nahulog naman ang isang hindi pa rin nakikilalang matanda sa kahabaan ng parehong creek sa bandang Longos Malabon. Ilang metro lang ang layo nito sa unang lalaking nahulog sa Navotas.
Ayon sa ilang saksi na tumanggi ring humarap sa camera, aksidente umanong nahulog ang matanda sa creek.
Muling nagsagawa ng retrieval operation ang BFP at bandang ala una ng madaling araw ay nakita ang bangkay nito.
( Asher Cadapan / UNTV Correspondent )