Dalawang kasunduan, nilagdaan matapos ang expanded bilateral meeting ng Pilipinas at Chile

by Radyo La Verdad | November 16, 2015 (Monday) | 1425

NOYNOY AND CHILE PRES

Dalawang mahalagang kasunduan ang nilagdaan ng Pilipinas at bansang Chile kaninang umaga, November 16, 2015, sa palasyo Malakanyang. Ang mga ito ay ang letter of intent on joint study for free trade agreement ng Pilipinas at Chile na nilagdaan nina DTI Secretary Gregory Domingo at Chile Foreign Affairs Minister Herald Muñoz at memorandum of understanding on disaster risk reduction and management na nilagdaan rin ni Muñoz at NDRRMC Executive Director Alexander Pama.

Ito ay nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III at Chilean President Michelle Bachelet matapos ang kanilang Expanded Bilateral Meeting.

Si President Bachelet ay dumating kahapon, November 15, 2015, para sa state visit at upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC summit.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ni President Bachelet sa Pilipinas.

Samantala, ilan sa mga paksa na napagusapan nina Pangulong Aquino at ni President Bachelet sa Expanded Bilateral Meeting ay may kaugnayang sa Energy, Mining, Agriculture, Education, Trade at Investment.

Napagusapan din ng dalawang bansa ang pagpapalawak ng kooperasyon sa energy at natural resources development.

Pagkatapos nito, isinagawa ang state luncheon para kay President Bachelet sa pangunguna ni pangulong Aquino.

(Jerico Albano/UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,