Dalawang insidente ng banggaan, naitala sa SLEX

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 3440
File photo
File photo

Dalawang aksidente ang naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) na nagbunga ng pagsikip ng daloy ng trapiko kaninang umaga, araw ng Sabado.

Naganap ang unang aksidente nang magbanggaan ang dalawang closed van sa southbound lane ng Kilometer 24 sa Shell Bayanan Station sa Muntinlupa City.

Kasunod naman ang dalawa pang sasakyan na nagbanggaan naman sa bahagi ng San Pedro, Laguna.

Dalawa rin ang sugatan sa magkahiwalay na insidente.(UNTV Radio)

Tags: , ,