Dalawang farm worker sa San Luis, Pampanga na nakitaan ng flu-like symptoms, negatibo sa Avian flu

by Radyo La Verdad | August 17, 2017 (Thursday) | 2323

Ligtas sa Avian flu virus ang dalawang poultry farm workers sa San Luis, Pampanga na isinailim sa pagsusuri matapos makitaan ng flu- like symptoms. Martes ng gabi inilabas ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM na negatibo ang resulta ng swab at blood test sa mga ito.

Nakauwi na ang mga ito sa San Luis, Pampanga at mabuti na ang kanilang pakiramdam. Ngunit nagpadala pa rin ng dalawang team ang DOH sa San Luis upang ma-monitor ang kalagayan ng mga residente doon.

Dala rin ng DOH  team, ang 8,000 oseltamivir o tamiflu tablets para ma-adminster ang pag- inom nito sa mga nasa poultry farms.

Ang tamiflu ay isang uri ng anti-viral medication na ginagamit sa pagsugpo ng influenza.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,