Dalawang executive order sa coco levy fund, nilagdaan na ng Pangulo

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 937
File Photo: UNTV News
File Photo: UNTV News

Nagbunga na ang ilang dekadang paghihintay at panawagan sa pamahalaan ng mga magniniyog kaugnay ng coco levy fund.

Inanunsyo na ngayon ng Malakanyang na nilagdaan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang dalawang executive order kaugnay ng paggamit ng nabanggit na pondo.

Ito ay ang Executive Order no. 179 o ang “Administrative Guidelines for the Inventory and Privatization of Coco Levy Assets, at Executive Order no. 180 o ang “Administrative Guidelines for the Reconveyance and Utilization of Coco Levy Assets para sa benepisyo ng mga magniniyog at pagsulong ng coconut industry.

Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma Jr., ito ang naging bunga ng naging dayalogo ng Pangulo sa coconut farmers upang tukuyin ang mga mahalagang isyu para sa pagpapabuti ng kanilang kalagayan.