Patuloy na inaapula ng mga bumbero ang forest fire na sumiklab sa Troodos mountains sa bansang Cyprus noon pang Linggo.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking forest fire sa rehiyon sa mga nakalipas na taon na mas pinapatindi pa ng nararanasang heatwave sa bansa.
Dalawang bumbero ang naitalang nasawi matapos tumaob ang isang water tank.
Nasa kritikal na kondisyon naman ang isa pang bumbero matapos mahulog sa bangin ang isang fire truck.
Nagpadala na ng water bomber aircraft ang Greece, Israel at UK sa Cyprus upang tumulong sa pag-apula sa forest fire.
(UNTV RADIO)
Tags: Cyprus, Forest fire