Dalawa sa 12 FA-50 fighter trainer jets ng Philippine Air Force, dumating na sa bansa

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1534

FIGHTER-JET
Dumating na sa bansa ang dalawang FA-50 fighter trainer jet na bahagi ng modernisasyon sa Armed Forces of the Philippines.

Nitong sabado, lumapag sa Clark Airbase sa Angeles City, Pampanga ang dalawang bagong eroplano na sinalubong ng tradisyunal na water gun salute.

Pinalipad ito ng dalawang Korean pilot at naka-escort naman ang S-211 aircraft ng Philippine Air Force.

Ang dalawang fighter jets ay bahagi ng labindalawang eroplano na binili ng bansa mula sa South Korea.

Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, supersonic ang FA-50 at may top speed na mach 1.5 o mas mabilis pa sa speed of sound.

Ayon sa Defense Department, binili ng Pilipinas ang mga eroplano sa halagang 18.9 billion pesos.

Kaya nitong gumawa ng multi-role missions maliban sa pagiging fighter trainer jet gaya ng pagpapatrolya sa mga teritoryo ng bansa.

Sa ngayon ay wala pa itong kasamang armas ngunit maaari namang lagyan ng heat seeking at air-to-air missiles at light automatic cannons.

Sa kasalukuyan ay tatlong Philippine Air Force personnel ang sumasabak sa training sa South Korea upang maging maayos na piloto ng aA-50

Kabilang sa trained pilot ng FA-50 ay si LT.Col. Rolanda Conrad Peña III na dumaan sa anim at kalahating buwan ng pagsasanay.

Inaasahang sa taong 2017 ay makukumpleto ang delivery ng labing dalawang FA-50 fighter jets sa bansa. ( Joshua Antonio/UNTV News)

Tags: ,