Iniimbestigahan na ng Florida Health Department ang dalawa pang kaso ng Zika virus infection sa Miami-Dade County.
Ito ang pangalawang kaso ng Zika transmission mula sa ibang bansa sa South Florida.
Ang kaunaunahang kaso ng Zika infection ay naitala sa Broward County na isa ring non-travel related case.
Gayunpaman, titiyakin ng mga epidemiologist kung ang pagkahawa ng Zika ay nagmula sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng survey sa mga tahanang malapit sa mga nagpositibo sa virus.
Ayon kay Tom Skinner ng Center for Disease Control, kung makakita ng breeding ground ng lamok sa lugar mangangahulugan ito na mayroon ngang local mosquito transmission at posibleng lumaganap pa ang Zika virus infection sa estado.
Tags: Dalawa pang kaso ng Zika virus infection, South Florida