Dalawa arestado kahapon dahil sa planong pagatake sa Australia

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 1382
(photo credit: REUTERS)
(photo credit: REUTERS)

Dalawang lalaki ang kinasuhan ng mga otoridad dito sa Australia dahil sa pakikipagsabwatan upang magsagawa ng terror attack sa bansa.
Naaresto ang dalawa kahapon ng umaga sa isang raid sa Sydney.

Kabilang sa balak ng dalawa ay ang pasabugin ang ilang tanggapan ng pamahalaan, partikular ang headquarters ng Australian Federal Policy sa Sydney at pagatake sa mga sibilyan.

Naisagawa ang raid base na rin sa mga ebidensyang natagpuan sa naunang pagsalakay sa kinaroroonan ng mga suspek, at sa tulong ng mga electronic surveillance at physical surveillance activity sa mga ito.

Ang australia na kilalang kaalyado ng amerika ay nakahieghtened alert na simula pa nuong nakaraang taon dahil na rin sa home grown radical attacks.

Ayon kay New South Wales State Police Deputy Commissioner Catherine Burn, nakababahala sa estado ang dumaraming insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga kabataan, partikular ang kasong ito kung saan 15 taong gulang ang nahaharap sa isang seryosong kaso na mangangahulugan ng habang buhay na pagkakakulong.

Magugunitang noong Disyembre nang nagdaang taon naganap ang pagatake sa Sydney café na nagdulot ng tensyon sa mga mamamayan ng Australia, gayundin ang pagkakapatay ng isang 15 taong gulang habang nakikipagbarilan sa mga pulis nito lamang Oktubre.

(Nina Bascon/UNTV Correspondent)

Tags: , ,