Daily COVID-19 cases, malabo pang umabot sa 30,000 – Octa Group

by Erika Endraca | August 31, 2021 (Tuesday) | 3394

METRO MANILA – Naitala kahapon (August 30), ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa loob ng 1 araw na umabot sa 22,366.

“Sa ngayong dahil umabot tayo ng 19,000 makikita natin maairing lumagpas pa yan ng 20,000 cases per day sa buong bansa.” ani Octa Research Fellow, Prof. Guido David.

Ito ang pinakamataas highest record na naitala ng Department of Health (DOH) mula nang mag-umpisa ang pandemya sa bansa noong nakaraang taon.

Pero ayon sa Octa Research Group, posibleng abutin pa ng hanggang 25,000 ng maitatalang mga bagong kaso ng COVID sa mga susunod na araw, lalo’t nasa 1.45 pa rin ang reproduction number o bilang ng hawaan sa buong bansa.

Ngunit ayon kay Dr. Guido David malabo na aniyang umabot pa ng hanggang 30,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

“Hindi pa naman natin nakikita na tataas siya na malayo sa 20,000. Maaaring humigit siya doon pero yung mga nagsasabi kung hanggang 30,000, wala pa naman yan sa nakikita natin ngayon. Kung magkakaroon ng downward trend sa metro manila, mag-peak na rin ang bilang ng kaso natin below 25,000,” ani ani Octa Research Fellow, Prof. Guido David.

Bagaman inaasahan ang pagtaas pa ng mga kaso sa susunod na mga araw, batay sa projection ng Octa….posible nang maramadaman ang epekto ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, at posibleng bababa pa ang reproduction number sa kalagitnaan ng Setyembre ngayong taon.

Nakita naman natin sa Metro Manila bumababa yung hawahan ibigsabihin yung reproduction number nasa 1.47 na dati nasa 1.0 malaki na yung binaba niña. Nakikita naman natin maaaring umabot na siya less than 1 pagdating ng kalagitnaan ng Setyembre.

“Malaking bagay po yang ECQ natin, napabagal yang nawaan reproduction natin malaking factor sa panbaba biyang yang 2 week ECQ, yang mecq sana ma-sustain niya tung downward trend sa reproduction number.” ani Octa Research Fellow, Prof. Ranjit Rye.

Samatala, iniulat rin ng Octa Research Group na malaki na ang ibinaba ng reproduction rate sa Cebu City, kayat nababawasan na rin ang mga naitatalang kaso doon.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang naitulong ng mga ipinatupad na restrictions ng provincial government ng Cebu pati na ang kanilang hospital management.

Pero kahit bumaba ang reproduction sa Cebu, may iba pang mga lalawigan pa rin ang nananatiling mataas ang mga kaso gaya ng Cagayan,Ilocos Region, Pangasinan, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan.

(Janice Ingente | UNTV News)

Tags: ,