Dahilan upang muling buksan ang imbestigasyon sa 2015 Mamasapano clash, hindi pa sapat ayon sa ilang senador

by Radyo La Verdad | July 18, 2017 (Tuesday) | 3001


Mas mabuting ikonsidera ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon ang mga naging resulta nang imbestigasyon noong una ng senado sa 2015 Mamasapano encounter.

Ito ang pahayag ni Senator Sonny Angara sa gitna na rin ng plano na muling imbestigahan ang Mamasapano clash kung saan mahigit animnapung katao ang nasawi kabilang na ang apat naput apat na miyembro ng PNP-Special Action Force.

Hihilingin naman ni Senator Win Gatchalian na magkaroon muna ng executive session ang mga senador tungkol sa Mamasapano reinvestigation.

Naungkat ang planong Mamasapano reinvestigation matapos ipagutos ng Office of the Ombudsman na sampahan din ng criminal charges si dating Pangulong Benigno Aquino third partikular na ang usurpation of authority at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,