Dagdag sweldo ng mga manggagawa, posibleng maibigay sa susunod na buwan – DOLE

by Radyo La Verdad | May 30, 2018 (Wednesday) | 7674

Posibleng may resulta na sa susunod na buwan ang hiling na dagdag sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, pinamamadali na niya sa regional wage boards ang pag-aaral sa pagtataas ng minimum wage rate sa bansa.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na malabo ang hinihinging 750 pesos daily rate ng mga labor group.

Aniya, maaari itong makaapekto sa industriya at magdulot pa ng pagtatanggal sa manggagawa ng ilang kumpanya.

Suportado naman ni Senator Grace Poe ang ginagawang pag-aaral para sa salary hike ng mga manggagawang Pilipino.

Sa ngayon ay nasa 512 piso ang minimum daily wage rate para ng  mga obrero sa Metro Manila, na ayon sa mga labor group ay hindi na sapat upang bumuhay ng isang pamilya.

 

( Jun Soriao / UNTV Correspondent )

Tags: , ,