METRO MANILA – Nakahandang makipagtulungan sa gobyerno ang mga water concessionaires na Maynilad at manila Water para maisaayos ang water concession agreement sa gitna ng isyu hinggil sa onerous o one-sided na kontrata sa pagitan ng dalawang kumpanya.
Sa isinagawang pagdinig Kahapon(Dec 10) ng house Committee on Good Governance and Public Accountability hinggil sa umano’y onerous contract na kinasasangkutan ng Maynilad at Manila Water, agad na ipinahayag ng 2 water concessionaires ang 3 bagay. Una, hindi na magkakaroon ng dagdag-singil sa tubig sa Metro Manila sa darating na buwan ng Enero.
“Ipinaretain po namin sa mwss sa aming sulat noong iaktlo ng Disyembre ang aming hangarin para magkasundo kung paano maaayos nmaipayutupad ang pagpaliban sa nasabing naaprubahang taas singil ng tubig.” ani President & CEO of Manila Water Jose Almendras.
Ipagpapaliban din ng Maynilad ang dagdag-singil na naaprubahan na ng MWSS upang bigyang daan muna ang pag uusap sa pagitan ng pamahalaan at ng 2 water concessionaires.
Wala na ring balak ang Maynilad at Manila Water na habulin pa ang nasa P11-B na danyos na ipinataw sa pamahalaan matapos manalo ang 2 kumpanya sa arbitral ruling ng isang international body sa Singapore. Anila, sumasang ayon ang mga ito at handang sumunod sa direktiba ng pangulo hinggil sa nasabing arbitral ruling.
Ayon pa sa Maynilad, 2017 pa umano iginawad sa kanila ang naturang reward ngunit hindi na rin nila ito ipinilit pa na maipatupad. Nakahanda rin na makipag tulungan ang dalawang water concessionaires para ma review at mapalitan ang ilang mga probisyon sa water concession agreement na naging sanhi kung kaya tinawag ito na “Onerous” o nagpapabor lamang sa 2 water companies at hindi sa taumbayan at pamahalaan.
Magkakaroon naman ng pag uusap sa pagitan ng MWSS at ng 2 water concessionaires hinggil sa mga kakailanganin kaugnay sa mga babaguhing probisyon sa water concession agreement.
Iminungkahi rin ng mga Kongresista na mabigyan ng kopya ng pag uusap sa pagitan ng MWSS at ng Maynilad at Manila Water upang masiguro na walang anomalya at hindi na malulugi ang mga consumers sa naturang panukala.
(Vincent Arboleda | UNTV News)