Dagdag-singil sa tubig, aprubado na ng MWSS

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 2660

Inaprubahan na ng Metropolitan Water and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil sa tubig.

Ang naturang dagdag-singil ay aplikasyon ng Manila Water at Maynilad para Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA).

Ang FCDA ay isang mekanismo na ipinagkaloob sa Maynilad at Manila Water upang mabawi o maisauli ang kanilang kita batay sa paggalaw ng dolyar, yen at euro.

Nagbabago ang FCDA kada tatlong buwan sa loob ng isang taon. Kapag lumalakas ang piso laban sa dolyar at ibang currency bumababa ang FCDA, tumataas naman ang FCDA kapag humihina ang piso.

Para sa mga customer ng Manila Water, magkakaroon ng dagdag na p1.58 per cubic meter sa average na basic charge na P36.40.

Ibig sabihin, mayroong dagdag na P5.21 sa komokonsumo ng 10 cubic meters per month habang P23.59 sa kumokonsumo ng 30 cubic meters per month.

Para naman sa mga customer ng Maynilad, magkakaroon ng dagdag na P0.26 per cubic meter sa average na basic charge na P48.03.

Ibig sabihin, mayroong dagdag na P0.23 sa kumokonsumo ng 10 cubic meters per month habang p1.75 na dagdag sa kumokonsumo ng 30 cubic meters per month.

Ang dagdag na bayarin sa tubig ng mga customer ng Maynilad at Manila Water ay epektibo simula sa ika-1 ng Hulyo 2018.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,