Dagdag-singil sa kuryente, nakaamba sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | March 14, 2023 (Tuesday) | 5581

METRO MANILA – Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na masasapatan ang demand sa kuryente pero posibleng may dagdag-singil.

Isa sa naging problema ng ahensya ang kawalan na nasa 1,200 megawatts kaya nagkaroon ng maraming limitasyon ang kagawaran upang maserbisyuhan ang publiko.

Dagdag ng DOE, nagsimula ito noong June 2022 bago pa umupo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang presidente ngunit mariin ding iginiit ng kagawaran na simula ng Marcos administration ay hindi nagkaroon ng brownout bunsod ng kawalan ng suplay ng kuryente.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, malaki ang tulong ng mga Liquefied Natural Gas (LNG) sa pag-supply ng kuryente kaya aniya, kung may mga pribadong sektor na nais magtayo pa ng mga planta ay mas maraming mga Pilipino ang makikinabang dito.

Ilan sa mga paraan upang makatipid sa pagkonsumo ang pagpatay ng electric fan kung hindi ginagamit

Gayundin ang pagpatay ng ilaw sa umaga at kung walang tao.

Mahalaga rin ang pagsara ng mga refrigerator at ang palagiang pag-defrost nito.

Sikapin din ang paggamit ng plantsa ng isahan at ang pagu-una ng mga makakapal at mabibigat na damit upang ang natitirang init ay lubos na magamit.

At ang pagpatay ng mga electric appliances tulad ng telebisyon kung wala namang nanonood.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,