Dagdag sahod sa mga manggagawa sa Western Visayas, epektibo na ngayong araw

by Radyo La Verdad | July 12, 2018 (Thursday) | 10870

Tataas na ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Western Visayas simula bukas. Ito ay matapos aprubahan ng National Wages and Productivity Commision ang petisyon para sa wage increase noong ika-8 ng Hunyo.

Mula sa kasalukuyang P323.50, magiging P365 na ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa non-agriculture, industrial at commercial sector. P295 naman matatanggap ng mga manggagawa sa agriculture sector mula sa dating P271.50 kada araw.

Ang mga nasa plantasyon ng agricultural sector naman na sumasahod ng P281.50 ay makakatanggap na ng P295 kada araw.

Isa sa naging basehan ng kagawaran sa pagbibigay ng dagdag sweldo ay ang poverty threshold na P289 kada araw kung saan wala nang maiuwing kita ang mga minimum wage earner sa kanilang pamilya dahil sa pagtaas ng mga bilihin at basic commodities.

Maari namang sampahan ng criminal complaint ng DOLE ang mga kumpanya na hindi magpapatupad ng dagdag sahod habang may karapatan naman ang mga ito na umapela sa desisyon.

Maari namang maghain ng petisyon ang mga kumpanyang walang kakayanan magtaas ng sahod, bagong establishments at mga apektado ng kalamidad o sakuna.

Samantala, sa buwan Nobyembre ang pa magiging epektibo ang dagdag sahod ang mga manggagawa sa probinsiya ng Aklan dahil sa ipatutupad na moratorium.

Ito ay upang makabawi ang mga kumpanya sa kanilang lugi sa anim na buwang Boracay closure.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,