Dagdag sa honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan, hindi kasama sa proposed budget ng Comelec

by Radyo La Verdad | September 10, 2015 (Thursday) | 2610

COMELEC
20.3 billion pesos ang proposed budget ng Comelec para sa susunod na taon pero 15.653 billion peso lamang ang inirekomenda ng Department of Budget and Management.

Mas mababa ang halaga sa 2015 approved budget ng Comelec na umabot sa 16.965 billion pesos.

9.1 billion pesos ang proposed budget ng Comelec para sa pagdaraos ng 2016 presidential elections subalit 6.260 billion lamang ang inirekomenda ng DBM.

6.6 billion pesos naman ang proposed budget ng Comelec para sa sangguniang kabataan at sa barangay registration at halalan subalit 6.5 billion ang inirekomenda ng DBM.

192 million pesos naman ang proposed budget ng poll body para sa Overseas Absentee Voting Registration at gastusin ng Office of the Overseas Voting.

Target ng Comelec na mapataas ang turnout ng mga bobotong pilipino na nasa ibang bansa.

8 million ang potential overseas voters o mga pilipinong nasa ibang bansa na kwalipikadong bumoto subalit nasa 1.2 million pa lang ang rehistrado.

Subalit hindi kasama sa proposed budget ng Comelec ang paghingi ng pondo upang madagdagan ang honoraria ng mga gurong magsisilbi sa halalan. sa panukalamg budget ng Comelec mananatiling 4,500 pesos pa rin ang magiging honoraria ng mga guro.

Nauna ng nagkaroon ng panawagan na itaas sa 8,000 piso ang honorarium ng mga guro na magsisilbi sa halalan.

Pabor ang Comelec sa panukala subalit hindi inaprubahan ng DBM ang hiling na increase.

Kumpyansa naman si Senator Koko Pimentel sa kahandaan ng Comelec na pamahalaan ang darating na halalan. ( Victor Cosare / UNTV News )

Tags: , ,