Dagdag-presyo sa produktong petrolyo dulot ng excise tax, epektibo na sa January 15

by Radyo La Verdad | January 4, 2018 (Thursday) | 4193

Nagkasundo ang Department of Energy at lahat ng mga oil company na sa Enero a-kinse na lamang ipatutupad ang dagdag-presyo sa produktong petrolyo. Halos tatlong piso ang dagdag-singil sa gasolina at diesel, mahigit tatlong piso sa kerosene at dose pesos sa labing isang kilogram na LPG.

Ang katuwiran ng DOE, ang marapat lamang patawan ng excise tax ay ang mga bagong import na langis at hindi ang matagal ng naka-imbak sa mga gasolinahan.

Isang task force naman ang binuo ng DOE na magbabantay sa oil prices at regular na magsasawa ng inspeksyon sa mga refinery at gasoline station.

Samantala, dalawang piso na dagdag-pamasahe ang planong ihain ng mga transport group sa LTFRB dahil sa dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo.

Samantala, dulot ng sabay-sabay na dagdag-singil at presyo dahil sa excise tax, hihilingin ng isang consumer group kay Pangulong Duterte na magtalaga ng isang price czar.

Ayon kay Dimagiba, mas makakabuti kung ang price czar ay magmumula sa executive branch na may mataas na posisyon na kayang pasunurin ang mga ahensya ng pamahalaan at regulator kaugnay sa TRAIN Act.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,