Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

by Jeck Deocampo | January 7, 2019 (Monday) | 57917

METRO MANILA, Philippines – Matapos ang isang buwang sunod-sunod na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, posible namang tumaas ngayong linggo ang halaga ng langis.

Ayon sa oil industry players, ₱.80 hanggang ₱.90 ang madaragdag sa halaga kada litro ng gasoline. ₱.60 to ₱.70 naman sa diesel at ₱.40 to ₱.50 sa kerosene.

Ngunit hindi pa anila ito dahil sa second tranche ng excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion.

Isa anilang dahilan nito ay ang paggalaw ng presyo sa international market matapos kumalas ang Qatar sa Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC).

Tags: , , ,