Dagdag ng budget para sa 2021, hiniling ng Hudikatura sa mga mambabatas para sa pagpapalakas ng internet

by Erika Endraca | September 11, 2020 (Friday) | 8442

METRO MANILA – Nakapagsagawa ng pa rin ng mahigit sa 100,000 video conference hearing ang mga korte sa bansa sa kabila ng pagkalat ng COVID-19.

Ngunit 13% sa mga ito ay nagkaprolema dahil sa mahinang koneksyon ng internet.

Kaya naman hiling ni Court Administrator Jose Midas Marquez sa House Committee on Appropriations na dagdagan sana ng P6.58 B ang kanilang budget para sa 2021.

Ito’y para maging mas maayos ang internet sa mga korte sa bansa. Mahigit sa 60,000 mga preso naman ang pinalaya ng korte mula nang magumpisa ang pandemya noong Marso gamit din ang video conferensing.

“While our judges are in court, at their discretion, they can allow appearance of parties virtually or remotely. So yung mga abogado they can appear in court while they are in their respective residences. Ang ating mga persons deprived of liberty hindi aalis ng kulungan, nandoon sila sa BJMP kausap natin ang BJMP dito at tuloy-tuloy ang mga hearings.” ani Court Administrator Jose Midas Marquez.

Mula sa P55.88B na ni-request nila sa Department of Budget and Management, P43.54B lamang ang inaprubahan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,