Animado ang elementary teacher na si Flores Dolfo ng Jomalig Elementary School sa Quezon Province na kapos ang kanilang sweldo sa pang araw-araw na gastusin ng kaniyang pamilya.
Ang dalawampu’t dalawang libong sweldo niya anila rin binabawas ang gastos sa transportasyon patungo sa paaralan na nasa isang isla.
Para sapatan ang pangangailangan ng pamilya ay humahamap pa sila ng pang alternatibong pagkakakitaan.
Kaya naman ng ibalita sa kanila sa isinagawang Teachers Convention sa Lucena City ang planong pagtataas sa kanilang sweldo ay tuwang-tuwa ang mga guro.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, gagawan ng paraan ng pamahalaan na maibigay sa kanila ang umento.
Nangako naman si Special Assistant to the President Bong Go na personal naman tututukan ang patungkol sa salary increase ng mga guro.
( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )
Tags: Flores Dolfo, Quezon Province, sweldo