Dagdag na border crossing stations, planong ilagay sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia

by Radyo La Verdad | January 10, 2018 (Wednesday) | 4506

Opisyal ng sinimulan kahapon sa Davao City ang apat na araw na border crossing committee conference sa sa pagitan ng Indonesia at Pilipinas.

Pinangunahan ni Eastern Mindanao Command Chief Lieutenant General Benjamin Madrigal ang delegasyon ng Pilipinas habang si Ramid Didik Setiyono ng Eastern Fleet Command ang nanguna sa delegasyon ng Indonesia.

Tatalakayin sa pag-uusap ang pagpapalakas sa sa cross border cooperation ng Pilipinas at Indonesia at isa sa agenda ay ang pagdadagdag ng border crossing stations sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinalakay din sa  conference ang maritime defense at security cooperation partikular sa bahagi ng Celebes Sea.

Nauna ng inilunsad ang joint maritime patrol ng Indonesia at Pilipinas noong nakaraang taon kasabay ng pagbubukas roll on roll off o roro trade route mula Davao City patungong Manado, Indonesia.

Umaasa ang dalawang bansa na mas mapapatibay ng isinasagawang pagpupulong ang pagtutulungan upang labanan ang terorismo at illegal trade sa lugar.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,