METRO MANILA – Isinusulong ng Department of Health (DOH) na dagdagan ng tax ang mga ibenebentang junk foods at sweetened beverages gaya ng softdrinks.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ito ay upang maitaas ang presyo ng mga nasabing produkto, nang sa gayon ay mabawasan ang pagbili at pagkonsumo ng mga ito, gaya ng nakita, nang dagdagan ng tax ang sigarilyo at mga nakalalasing na inumin.
Layunin ng kagawaran sa isinusulong nito, na tugunan ang obesity sa bansa at maitaas ang koleksyon ng pamahalaan na maaring mailaan sa mga programang pangkalusugan.
Wala pang ibinibigay na detalye ang DOH kung gaano kalaki ang nais nilang idagdag na buwis sa mga junk foods at soft drinks.
Pero ayon kay Vergeire ang dagdag na revenue ay gagamitin para mapondohan ang universal health care law para sa lahat ng mga Pilipino.
Tags: Chips, DOH, Softdrinks