Dagdag benepisyo para sa mga guro, pinag-aaralan ng DEPED    

by Radyo La Verdad | July 28, 2022 (Thursday) | 1020

Inihayag ni Department of Education Spokesperson Micheal Poa na pinag-aaralan ngayon ng kagawaran ang pagbibigay ng non-basic wage benefits o dagdag na benepisyo sa mga guro sa halip na taasan ang sweldo.

Ayon kay Poa, kinokonsidera ng kagawaran na bigyan ng karagdagang allowances at kompensasyon ang mga guro pero tumanggi itong banggitin kung magkano.

“Narinig naman po ni Vice President Secretary ‘yung hinaing ng mga teachers that’s why what we will be doing  is that we will be looking into non-basic wage benefits that we can  give them para naman po madagdagan yung take home nila and in fact this already been presented to the president and he has instructed for that to be looked into, na yung mga non-basic wage benefits ay tignan pa natin kung ano pang pwedeng madagdag para sa omento ng take-home pay ng ating mga teachers,” ani Atty. Micheal Poa, Spokesperson, DEPED.

Ayon kay Poa, ang market standard ng sahod sa Pilipinas pagdating sa pangkalahatan lalo na sa mga empleyado ng gobyerno ay ang private sectors.

Kaya’t marami aniyang kailangan ikonsidera at dapat balansehin bago maisakatuparan ang salary increase sa mga guro.

“We have to balance those things, eh kasi if we increase the salaries, basic wage I’m talking about basic wage, if we make it too high it will really affect the private sector kasi either lilipat yung mga teachers on the private sector to the government or baka hindi kakayanin ng private sector na tapatan baka magsara yung private sector,” dagdag ni Atty. Micheal Poa, Spokesperson, DEPED.

Taun-taon rin aniyang tumataas ang sweldo ng mga guro simula 2019 alinsunod sa salary standardization act kung saan ang final tranche nito ay ipatutupad sa 2023.

Samantala, plano rin ng DEPED na bawasan ang workloads ng mga guro at magdagdag ng mga non-teaching personnel na syang tutugon sa administrative tasks upang makapagfocus ang mga guro sa pagtuturo.

“Mayroon pong plano ang ating Department headed by the Vice President and Secretary Duterte na ease of ‘yung mga administrative task ng mga guro teachers kasi nga napapansin na bukod sa pagtuturo mayroon din silang admin task. Sa ngayon ang plano natin we need to upskill yung ating mga teachers dahil doon ang gagawin natin is mag-focus muna sila sa teaching tatanggalin natin yung mga admin task, to complement that we will have to hire non-teaching staff to handle those things,” sinabi ni Atty. Poa, Spokesperson, DEPED.

Sa ngayon, wala pang inihahayag na budget proposal ang DEPED ukol dito.

Janice Ingente | UNTV News