METRO MANILA – Epektibo na ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes (May 21).
Batay sa abiso ng mga oil company, tataas ng P0.25 ang presyo ng kada litro ng Diesel.
Magkakaroon naman ng P0.10 na rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Madaragdagan naman ng P0.30 ang singil sa presyo ng kada litro ng Kerosene.
Tinitignan pa ring dahilan ng industry players, ang pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.
Ayon naman sa Department of Energy (DOE), epekto ang paggalaw sa presyo ng pagtaas ng oil prices sa world market dahil sa inaasahang increase sa oil demand ng malalaking bansa.