Dagdag-bawas sa presyo ng langis posibleng ipatupad ngayong Linggo – DOE

by Radyo La Verdad | November 7, 2022 (Monday) | 7501

METRO MANILA – Sinabi ng Department of Energy (DOE) na maaaring magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga oil company sa susunod na linggo.

Ayon kay DOE Assistant Director Rodela Romero, maaaring bumaba ang kada litro ng diesel at kerosene ngayong Martes (November 8).

Sa pagtaya ng Energy Department nasa P0.30-P0.60 ang pwedeng maging bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Habang nasa P0.75-P0.85 naman ang inaasahang tapyas sa kerosene.

Kung may pagbaba sa presyo ng diesel at kerosene, maaari namang tumaas ng P0.90-P1.20 ang halaga ng kada litro ng gasolina.

Paliwanag ng DOE, kabilang pa rin sa nakaka-apekto sa bawas-presyo ang pagbaba ng demand ng langis sa China dahil sa COVID-19 restrictions at pagtaas ng inflation.

Habang ang pagbabago naman sa klima sa ibang mga bansa at production cut ng oil producing countries ang dahilan kung bakit tataas ang presyo ng gasolina.

“Sa ngayon maraming nagli-lingers na factors sa merkado, ilan sa kadahilanan sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo eh yung winter season, yung seasonality of demand alam namn po natin kamukha sa lpg ginagamit po syang heating fuel sa northern hemisphere countries, tapos kung matatandaan nyo po ngayong buwan din ng Nobyembre ang sinasabi na production cut na gagawin ng OPEC member countries at hindi pa rin po nasosolusyunan geopolitical conflict na nangyayari sa Russia at Ukraine” ani DOE Oil Industry and Management Bureau, Asst. Director Rodela Romero.

Ngayong araw (Nov. 7) inaasahang iaanunsyo ng kumpanya ng langis ang final adjustment sa oil prices na ipatutupad naman sa araw ng bukas (Nov. 8).

Tags: ,