Dagag singil sa pamasahe sa mga taxi, aprubado na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | October 5, 2017 (Thursday) | 2667

Makalipas ang halos walong taon, pinayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga taxi na muling magpatupad ng dagdag singil sa pamasahe.

Sa desisyong inilabas ng LTFRB, nakasaad na mananatili sa 40 pesos ang flag down rate para sa unang limang daang metro.

Tataas naman sa 13.50 ang singil sa kada susunod na kilometro, mula sa dating 3.50 sa bawat 300 metro.

Ang dati namang dagdag singil na 3.50 kada dalawang minutong waiting time kapag nakatigil sa traffic ang sasakyan ay magiging apat na piso.

Dahil dito, inaasahan ng LTFRB na lalo pang mapaganda ng mga taxi operator ang kanilang mga unit at serbisyo.

Ipalalathala ng ahensya ngayong araw sa mga pahayagan ang ipatutupad na fare hike bago maging epektibo.

Subalit kinakailangan munang maipa-calibrate at ipareaseal ng mga driver at operator ang kanilang mga metro.

Sa gitna ng fare hike, umapela naman si LTFRB chairman sa mga taxi driver na tigilan na ang pananamantala at sa halip ay magserbisyo ng tapat sa mga pasahero.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,