Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command na wala nang koneksyon sa Pilipinas ang Daesh o ISIS extremist sa kasalukuyan.
Kasunod ito ng pagkakapatay sa tinaguriang emir ng ISIS sa Timog Silangang Asya na si Isnilon Hapilon at kina Omar at Abdullah Maute.
Ang Westmincom ang nakakasakop sa mga lugar kung saan may presensya ng mga kilalang armed groups sa Mindanao tulad ng Maute, Abu Sayyaf, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at iba pa.
Ayon kay Westmincom Commander Lt. Gen. Carlito Galvez Jr, magdadalawang isip na ngayon ang Daesh militants na papasok sa bansa.
Target naman ng Westmincom na ubusin ang supporters ng ISIS-inspired Maute hanggang sa katapusan ng taon, sang-ayon sa mandato ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon ay mayroon dalawang supporters ng Maute ang inaasahang manu-neutralize ng AFP sa labas ng Marawi.
Pagkatapos malinis ang Mindanao mula sa foreign inspired terrorist groups ay susunod naman target ng AFP ang local terrorist group na Abu Sayyaf.
Kamakailan lamang ay binisita ni AFP of staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero ang Western Mindanao Command upang palakasin ang morale ng mga sundalo.
( Dante Amento / UNTV Correspondent )
Tags: ISIS extremist, Isnilon Hapilon, Pilipinas