Nakatakdang bumiyahe ang Pangulong Benigno Aquino III sa Europa sa susunod na linggo para sa 21st Conference of the Parties for the United Nations Framework Convention on Climate Change at sa tatlong official working visits nito sa Paris, Rome at Italy.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Cleofe Natividad, dadalo muna ang Pangulo sa Paris Climate Change Conference sa November 30 saka ito magtutungo sa Paris France, Rome Italy at sa Vatican City.
Makakasama ni Pangulong Aquino ang nasa 100 Head of State para sa kampanya upang labanan ang Climate Change.
Inaasahan sa naturang conference ang pagkakaroon ng kasunduan ng ibat ibang nasyon sa pagbabawas ng carbon emmission at mapanatiling mababa ang temperatura sa gitna ng papaunlad na industriya.
“…the leaders event of the COP21 is the most important event for this conference, it will be a capstone opportunity for the president to highlight its climate change accomplishments and to support the crafting of the new climate change agreement that is effective and equitable”. pahayag ni Natividad.
Pagkatapos nito, magtutungo si Pangulong Aquino sa Rome upang makipagpulong kay Italian President Sergio Mattarella.
Inaasahang lalagdaan dito ang air services agreement sa pagitan ng Pilipinas at Rome kung saan napapaloob dito ang pagpapahintulot ng direct commercial flight mula s Maynila patungong Rome,Italy.
Sasamantalahin din ng Pangulo ang pagpunta sa Italia upang makasalamuha ang Filipino Community na nagtatrabaho sa Roma.
Tags: Climate Change Conference, November 30, Pangulong Benigno Aquino the Third