METRO MANILA – Magsasagawa ng rehabilitasyon sa footbridges, pagsasaayos ng mga kalsada, pagdaragdag ng mga street lamps at pagpapaigting ng greening ng mga park.
Bahagi ang pagdaragdag ng 2,500 – 3,00 lamp posts taun-taon sa susunod na 8-10 taon sa long term na plano ng siyudad.
Magdaragdag din ng mga Green Open Reclaimed Access (GORA) lanes na madaraanan at makaeengganyo sa mga siklista at sa mga naglalakad.
Nilunsad ang GORA lane na may habang 5.39-kilometer kalagitnaan nitong pandemic at ang pagsasaayos naman ng mga park ay patuloy simula pa noong 2021.
Tumatawid ang kasalukuyang GORA lane sa through Doña Hemady Avenue, Scout Tobias Street, at Mother Ignacia Avenue na magbibigay daan sa 3 major roads na Aurora Boulevard, Quezon Avenue, at Edsa.
(Ritz Barredo | La Verdad Corespondent)