Daan- daang volunteers mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon, nakiisa sa pagsisimula ng Brigada Eskwela

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 1995

AIKO_BRIGADA
Alas sais ng umaga nagsimulang magtipon- tipon ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa covered court ng bagong silangan elementary school sa Quezon City para sa kick- off ceremony ng malawakang brigada eskwela ngayong araw.

Nakiisa ang grupo ng Gabriela Partylist, home owners’ asociation ng Brgy. Silangan, 4Ps beneficiaries, ilang kinatawan ng LGUs ng Quezon City at Philippine National Police sa pagsisimula ng malawakang brigada eskwela

Ayon kay Gng. Wilma Mañoang, principal ng paaralan, inaasahan nilang aabot pa sa isang libo ang bilang ng volunteers sa mga susunod na araw

Nagpapasalamat naman ang Brgy. Capt ng Bagong Silangan sa pagtugon ng mga residente doon.

Masaya namang nakibahagi ang UNTV at Members Church of God International sa Brigada Eskwela sa iba’t-ibang siyudad sa kalakhang Maynila.

Layon ng grupo na makiisa sa isang ligtas at maayos na paaralan bago magsimula ang klase sa Hunyo a-trese.

Nakahandang makipag-bayanihan ang mga voluntees mula ngayong araw hanggang sa Sabado ika-apat ng Hunyo sa mahigit isang daang elementary at secondary schools sa Metro Manila.

Sa Josefa Marcos Elementary School sa Quezon City sinalubong ng drum and lyre band ng mga estudyante sa doña ang paguumpisa ng brigada eskwela.

Ayon sa District Supervisor at OIC ng paaralan, mahigit sa 1 libo ang estudyante sa school kaya’t dapat maihanda ang lugar upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,