Daan-daang PLDT contractual workers na tinanggal sa trabaho, igigiit ang kautusan ng DOLE

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 3834

Nakikipagpulong ang mga kinatawan ng mga tinanggal na kontraktuwal na manggagawa sa pamunuan ng Philippine Long Distance Telephone Company sa tanggapan ng PLDT sa Mandaluyong City ngayong umaga.

Ito ay upang igiit ang kanilang karapatan kaugnay ng writ of execution ng inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong ika-30 ng May 2018 at ng clarificatory order ng DOLE secretary.

Sumasalungat umano ito sa pagpapatanggal sa mga kontraktuwal na manggagawa ng PLDT at umaasa ang mga ito na susundin ng PLDT ang kautusan ng DOLE na iregularize sila sa trabaho.

Ayon sa Manggagawa ng Komunikasyon sa Pilipinas, ang unyong tumutulong sa mga manggagawa ng PLDT, nasa labingdalawang libong contractual workers ang tinanggal ng naturang kumpanya.

Maglalabas umano ng pahayag ang PLDT pagkatapos ng diskusyon nito sa mga contractual workers.

 

 

Tags: , ,