Pansamantalang nananitili ngayon sa tatlong evacuation center ang daan-daang pamilya na nasunugan kahapon sa Brgy.Addition Hills, Mandaluyong city.
Sinasabing nagmula umano ang sunog sa isang over charged na cellphone ng isa sa mga residente sa lugar.
Kabilang si Aling Gigi at ang kanyang apat na anak sa mga nasunugan at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa isa sa mga evacuation center.
Idinadaig nito ang umano’y kakulangan sa suplay ng pagkain at pagsisiksikan ng mga evacuee.
Paliwanag ng Department of Social Welfare and Development ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong, sa ngayon ay ginagawa na nila ang lahat upang maibigay ang pangangailan ng mga evacuee.
Ngunit aminado ang mga ito, na kakailanganin pa rin nila ang karagdagang tulong mula sa iba pang grupo.
Bukod sa pagkain, damit at mga gamot, umapela rin ang mga evacuees ng tulong para sa agarang pagsasaayos ng bahay na kanilang malilipatan.
Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ng mandaluyong na sa ngayon ay inihahanda na nila ang pagsasaayos ng mga bahay na lilipatan ng mga pamilyang nasununugan.
Bukod sa mga materyales sa pagpapatayo ng bahay, magkakaloob rin ang munisipyo ng financial assistance depende sa laki ng pamilyang nasunugan.(Joan Nano/UNTV Correspondent)
Tags: Mandaluyong, pamilya, sunog