Daan-daang motorista, na-stranded sa highway dahil sa makapal na snow sa Japan

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 10787

Umabot ng hanggang sampung kilometro ang haba ng pila ng mga sasakyang na-stranded noong Martes sa Fukui Prefecture dahil sa makapal na yelo.

Ayon sa transport ministry, umabot hanggang 1.36 meters ang kapal ng yelo sa Fukui.

Ang snowfall noong Martes ay itinuturing ng Local Meteorological Observatory na pinakamakapal na snowfall sa loob ng apat na dekada sa rehiyon.

Samantala, isa pa sa maugong na balita sa Japan ay ang pagpostpone sa kasal ni Princess Mako at ang kaniyang kasintahan na si Kei Komuro.

Dapat sana ay ngayong taon sila ikakasal pero ipinag-utos ng imperial household na ipagpaliban ito pagkatapos na lamang ng abdication o pagbababa sa trono ni Emperor Akihito.

Batay sa batas ng bansang Japan, kinakailangang bitawan ni Princess Mako ang kaniyang pagka royal dahil isang commoner ang kaniyang mapapangasawa.

 

( Ryuji Sasaki / UNTV Correspondent )

Tags: , ,