Daan-daang estudyante sa Palawan sumailalim sa urine testing ng DOH

by Radyo La Verdad | June 17, 2015 (Wednesday) | 1250

URINE TESTING
Dalawang daang estudyante sa Sta. Monica Elementary School sa Puerto Prinsesa Palawan, ang isinailalim sa urine testing ngayong araw sa pangunguna ng Department of Health Mimaropa Region.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng selebrasyon ng National Kidney Month ngayong Hunyo.

Sa pamamagitan ng urine testing maaaring malaman ng isang tao kung siya ay mayroong urinary tract infection, sakit sa bato,diabetes at iba pang sakit sa pag-ihi.

Layunin ng programa na maagapan at mabigyang lunas ang mga ganitong uri ng sakit partikular na sa mga bata.

Tags: