Daan-daang Brazilians nagsagawa ng kilos protesta

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 1577

PROTEST
Malaking kaguluhan ngayong ang nangyayari sa Brazil dahil sa tuloy-tuloy na kilos protesta na isanasagawa ng daan-daang Brazilians sa Rio de Janeiro at Sao Paulo matapos na italaga ni President Dilma Rousseff si Luis Inacio Lula da Zilva bilang kanyang bagong Chief of Staff.

Si Lula ay naging Presidente ng Brazil noong 2003 hanggang 2011.

Pinangangambahan ng mga demonstrador na gamitin ni Lula ang bagong posisyon upang maiwasan ang mga kasong money laundering at fraud kaugnay ng isinasagawang graft probe sa state owned oil company na Petrobas.

Dahil dito isang federal judge ng Brasilia ang naghain ng injuction upang suspendihin ang appointment ni Lula sa grounds na nakahahadlang ito sa free exercise of justice.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,