DA region 2, namahagi ng mga makinarya sa mga magsasaka ng Cagayan

by Erika Endraca | November 6, 2020 (Friday) | 827

Ipinamahagi na kahapon (Nov 5) ang mga farm machineries sa samahan ng Cagayan, Farmers,Cooperatives and Association sa pangunguna ni Department of Agriculture ( DA) Executive Director Narciso A. Edillo at sa pakikiisa ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization(PhilMec).

Ang turnover ay ginanap sa Southern Cagayan Research Center,Minanga Norte,Iguig,Cagayan.

Ang pamamahagi ng mga farm machineries ay naayon sa programa ng DA na Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF) mechanization program, na nasa ilalaim ng Republic Act No. 11203, o mas kilala na “Rice Tariffication Law”.

Layunin ng programang ito na mapataas ang produksiyon,kita at global competitiveness ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong makinarya.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)