DA-PhilRice, pinangunahan ang pagsasagawa ng RCEF program

by Erika Endraca | August 19, 2021 (Thursday) | 2098

METRO MANILA – Pinangunahan ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice) ang pagsasagawa ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program at co-implementing ng  RCEF-Extension Program.

Sa ilalim ng RCEf-Seed Program,umabot na sa 6.5 million bags ng certified inbred seeds ang naipamahagi sa mahigit 1 milyong magsasaka sa loob ng 4 na planting season.

Samantala, pumalo na sa 99 provinces covering 1678 cities/municipalities ang naabot ng seed distribution.

Mula naman sa taong 2019 hanggang 2021, nasa 159 rice specialists at 618 trainers na ang naidagdag sa ilalim ng DA-PhilRice’s RCEF training programs.

Ang RCEF-Seed and Extension Programs ay bahagi ng  Republic Act 11203 or Rice Tariffication Law na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte  na naglalaan ng P10-B pondo taun-taon para sa mga magsasaka.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,