METRO MANILA – Pangungunahan ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang iba’t ibang research and development activities para tugunan ang sari-saring suliranin ukol sa produksyon ng asin sa bansa.
Magbibigay rin ng technical assistance sa marginal at artisanal salt makers.
Ayon sa pahayag ng DA, magpapatupad ang kagawaran ng mga inisyatibo at mga hakbang upang palakasin ang produksyon, at para suplayan ang mga requirement ng mga commercial at industry user ng asin.
Upang maisa-katuparan ito, titingnan ng kagawaran ng agrikultura ang pagpapalawig ng production areas, at ang pag-develop ng mga teknolohiya, kabilang na ang isang evaporation system at ang paggamit ng sari-saring makinarya upang mapabilis ang produksyon ng asin.
Maglalagay rin ng mga pasilidad para sa pagproseso, packaging, at value-adding.
Makikip-tulugan ang DA sa iba’t ibang ahensya, tulad ng Departments of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Department of Trade and Industry (DTI).
Sa ilalim ng Republic Act 8172, o ang “Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN) Law”, tutukoy ng mainam na lokasyon o lugar, ang DENR, at iba pang kinauukulang ahensya, bilang salt farms, upang maproteksyunan din laban sa panganib ang mga lugar na natukoy, at upang tiyakin ang magpapatuloy na iodized salt production.